Maligayang pagdating sa LTBC Kurso. Ito ay isang 2 taon Bible College kurso na ikaw ay malugod na gamitin ang libre. Walang mga singil para sa paggamit ng mga kursong ito. Ang mga kursong ito ay non accredited kurso. Piliin ang kurso na nais mong pag-aralan at i-download ito sa iyong Desktop, Laptop, Smart Phone. o Notepad.
*** Ang mga kurso ay hindi maaaring kopyahin, kopyahin, o ibinebenta nang walang nakasulat na pahintulot ng may-ari. ***
Piliin ang iyong mga Kurso sa ibaba. Higit pang mga kurso sa mga pahina na nakalista sa ibaba.
Ang lahat ng mga pag-download ay sa PDF
PAGES: 2 3 4 5
Download Attachments
-
1
TagBattleForTheBody
Ang pananaw ng unang Iglesia sa kanilang karanasang espirituwal ay laging pakikibaka. Ang
mga salitang pang militar ang ginamit sa buong Bagong Tipan. Ang pag-iingat ay nakita sa
kalasag ng Dios. Ang salita ng Dios ay itinulad sa tabak. Ang mga atake ni Satanas ay tinawag
na mga maapoy na pana. Ang pananampalataya ay tinawag na “mabuting pakikibaka” at ang
mga mananampalataya ay hinimok na “makipagbaka ng mabuting pakikipagbaka.” Nalalaman
ng unang Iglesia na sila ay nasa matinding esprituwal na pakikibaka.
Downloads: 790
-
2
TAGBiblicalManagementPrinciples
Ilalahad ng pag-aaral na ito ang mga prinsipyo ng pangangasiwa na nahayag sa nasukat na Salita
ng Diyos, ang Biblia. Ang “pangangasiwa” ay tulad din ng salitang “pagkakatiwala.” Ang mga
“katiwala” o mga “tagapangasiwa,” ay may pananagutan sa isang bagay na sa kanila ay
ipinagkatiwala ng iba. Bilang mananampalataya, bawat isa sa atin ay mga tagapangasiwa ng mga
yaman na espirituwal na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.
Downloads: 649
-
3
TagBiblicalWorldView
Ito ang unang kurso sa Pangatlong Module sa pagsasanay ng Harvestime International
Institute. Ang Unang Module, na pinamagatang "Pagtanaw," ay ipinakikita ang pangitain
ng pag-aaning espirituwal. Ang mga kurso sa Ikalawang Module tungkol sa
"Paghihirang" ay nagbibigay ng pagsasanay upang matupad mo ang pangitaing ito. Ang
mga kurso sa Ikatlong Module ang nagpapaliwanag kung paano mo palalawigin ang
pangitaing tinanggap mo sa pamamagitan ng pagbabahagi kung ano ang mga natutuhan
mo. Matututuhan mo kung paanong magsanay ng mga manggagawa sa pagaaning
espirituwal upang sila naman ay makapagsanay din ng iba:
At ang mga bagay ng iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay
siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa
mga iba. (II Timoteo 2: 2)
Downloads: 622
-
4
TagFoundationsOfFaith
Ang pangunahing doktrina ng Kristiyanong Pananampalataya ang paksa ng kursong ito. Ang
Doktrina ay mga koleksiyon ng mga aral o turo sa isang paksa. Ang pangunahing doktrina ng
Kristiyanong Pananampalataya ay mga turo ng Panginoong Jesu- Cristo na nasulat sa Biblia.
Downloads: 573